Photo
Salamat sa inyo mga tunay na bantay… patawad kung minsan hindi tayo nagkakasundo lalo kung nagiging hobby nyo ang paglinisin ako ng poop/wee-wee nyo sa porch..
yun lang nauna kayo sa mga kapitbahay natin matatabil ang dila at hobby din ang makielam sa buhay ng may buhay..
masaya ako nung dumating kayo sa bahay ko pero ang kulit nyo din FIFO (First In First Out) ang method nyo ^_^, nauna si Moshi at sumunod si Bebong. Grade 5 ako noon pero binantayan nyo pa rin ako hangang sa magkanobya at trabaho na ako.
ngayon ganun pa din nauna si Moshi sa graduation rights at Bebong sumunod ka naman, pinaiyak mo lang ako nung hinintay mo pa ako galing trabaho bago ka tuluyang mamahinga…
ibang level loyalty nyo, alam nyo kung may mga gustong tumarantoado sa bahay namin (oo hindi ko makakalimutan yung kapitbahay namin na taga DOS na may mga kasamang parak at impormante daw kuno na gustong pumasok sa bahay mga ulu ba sila?)
ngayon wala na maingay na tatahol kapag late ako umuwi lalo na nung mga panahong uuwi ako ng bahay galing inuman automatic na mag iingay kayo parang nagsusumbong kay mama na umuwi nanaman akong lasing.
wala na rin yung mga asong sasabay sa amin sa paglabas ng gate pag papasok sa eskwela/trabaho para ihatid kami sa sakayan.
matatagal tagal muna bago uli ako mag alaga ng aso.. at gusto ko kagayo nyo din
SALAMAT MOSHI AT BEBONG <3
-Rex
P.S. sa kabilang buhay walang daga dun na hu-huntignin natin kaya behave na kayo, sa sususnod na lang uli boys!



